Magulang ng unwanted newborn di na kakasuhan
March 3, 2003 | 12:00am
Inaasahan ni Senate Majority Leader Loren Legarda na tuluyang mababawasan ang kaso ng abortion sa bansa sa sandaling maipasa ng Senado ang kanyang panukala na hindi na kakasuhan ang mga magulang ng unwanted newborn basta iwanan lamang nila ang sanggol sa emergency care facility.
Sinabi ni Sen. Legarda, ito ang nakikita niyang sagot sa tumataas na bilang ng abortion sa bansa kung saan ay naitala ng UP Population Institute na umabot ng 400,000 sa nakalipas na taon.
Ayon kay Legarda, sa ilalim ng kanyang Senate bill 2462 ay dapat madala ng mga magulang ang kanilang unwanted newborn sa loob ng 30 araw matapos maipanganak ito sa emergency care facility na matatagpuan sa mga lisensiyadong ospital, public health unit, fire station, police station o pregnancy crisis center ng walang anumang itatanong sa kanila.
Ang pinaglagakan namang emergency care facilty ang agad magpapabatid sa DSWD sa iniwang sanggol sa loob ng 24 oras.
Nakakaalarma umano ang pagtaas ng bilang ng mga bagong silang na sanggol na iniiwan na lamang ng kanilang mga ina sa basurahan o sa kahit saang hindi ligtas na lugar. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest