^

Bansa

Rep. Abaya namatay sa cancer

-
Namatay na kahapon ng madaling araw si Isabela Rep. Antonio Abaya, chairman ng House committee on ethics dahil sa sakit na kanser.

Ganap na alas-3:40 ng madaling araw ng malagutan ng hininga si Rep. Abaya, 68, sa St. Luke’s Medical Center kung saan limang araw siyang na-confine.

Ang mga labi ni Abaya ay pansamantalang ibuburol sa Funeraria Paz bago dalhin sa kanyang lalawigan sa Santiago, Isabela.

Naiwan ng kongresista ang kanyang asawang si Dr. Asuncion at 3 anak na sina Antonio Jr., Ann at Alvin.

Unang naging mambabatas ito noong 1987 at municipal mayor ng Santiago mula 1950 hanggang 1987.

Si Abaya ay nagtapos ng Bachelor of Laws sa UP Diliman noong 1958 at Doctor of Humanities honoris causa noong 1998 sa University of La Salette sa Santiago, Isabela. (Ulat ni Malou Escudero)

ABAYA

ANTONIO ABAYA

ANTONIO JR.

BACHELOR OF LAWS

DOCTOR OF HUMANITIES

DR. ASUNCION

FUNERARIA PAZ

ISABELA

ISABELA REP

MALOU ESCUDERO

MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with