PNP sinabon ni GMA
February 21, 2003 | 12:00am
Nakatikim kahapon ng sermon ni Pangulong Arroyo ang matataas na opisyal ng PNP dahil sa tinanggap nitong mga reklamo sa pagtaas ng bilang ng krimeng nakakaapekto sa ordinaryong mamamayan.
Ang pananabon ay ginawa ng Pangulo sa ipinatawag niyang command conference ng PNP para maglunsad ng puspusang kampanya laban sa tinatawag na "street crimes" na kinabibilangan ng holdapan, cellphone snatching, nakawang kagagawan ng akyat-bahay gang, ipit-taxi, gang war, pagtutulak ng droga, pandurukot at iba pa.
Nitong Enero 2003 lamang ay nakapagtala na ng kabuuang 21,000 street crimes. Ang pinakamalakas na bilang ng street crime ay naitala sa University belt at karamihan sa biktima ay mga estudyante.
Dahil sa tumataas na bilang ng mga krimen, sinabi ng Pangulo na lumalaki ang persepsiyon ng publiko na hindi epektibo ang pulis at walang kakayahan ang gobyernong mapangalagaan ang mamamayan at kanilang ari-arian laban sa mga kawatan, mandurukot, rapists at iba pang masasamang elemento.
Para mabawi ang tiwala ng mamamayan, sinabi ng Pangulo na kailangang pakilusin ang buong bansa para matugunan ang mga bantang ito sa buhay at ari-arian ng publiko.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP Chief Director Gen. Hermogenes Ebdane na binigyan sila ng Pangulo ng isang taon para malutas ang problema sa "street crimes." (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended