Acsa Ramirez inabsuwelto
February 19, 2003 | 12:00am
Matapos dumanas ng matinding kahihiyan matapos iprisinta sa media bilang suspek sa Land Bank of the Philippines (LBP) scam, pinawalang-sala kahapon ng Office of the Ombudsman ang "whistle blower" na si Acsa Ramirez at Binangonan branch manager Artemio San Juan.
Ayon sa Ombudsman, kulang ang ebidensiya upang madiin sa kasong money laundering sina Ramirez at San Juan. Anim na beses namang kakasuhan ng Ombudsman si Ramon Joven, LBP operation supervisor dahil sa pagmamaniobra ng mga tsekeng nagkakahalaga ng P203 milyon at pagdeposito sa anim na pekeng account.
Sinabi ni Pelagio Apostol, chairman ng panel na nag-iimbestiga sa kaso nina Ramirez, hindi maaaring kasuhan si Ramirez ng money laundering dahil naganap ang paglilipat ng mga tseke patungo sa 6 pekeng account noong hindi pa ito ang cashier.
Nagwalang-bahala naman aniya si Joven ng mabuksan ang naturang mga account sa bangko at hindi ito iniulat sa kanilang branch manager.
Hindi naniniwala ang Ombudsman sa alegasyon ni Joven na sinabihan niya si San Juan ukol sa naturang mga transaksiyon. Sinabi rin ni Apostol na isinangkalan lamang umano ni Joven ang pagiging importanteng account ng 6 naturang account kaya hindi na ito dapat pakialaman.
Si Ramirez ang tumayong whistle blower sa naturang anomalya sa Land Bank subalit ito ang iprinisinta ni Pangulong Arroyo sa media bilang suspek ng magtungo ang Pangulo sa NBI. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended