4 berdugo ng Abu nalambat
February 17, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA - Apat na miyembro ng Abu Sayyaf group na umanoy responsable sa serye ng pangingidnap ang nadakip ng militar sa Basilan kamakalawa.
Ayon kay Col. Bonifacio Ramos, ang mga naarestong rebelde ay ang itinuturong pumugot sa ulo ng dalawang Kristiyanong guro may tatlong taon na ang nakalilipas matapos na hindi makuha ang hinihinging ransom ng mga bihag.
Sinabi ni Ramos na matagal na nilang tinitiktikan ang mga rebeldeng Muslim na sangkot sa mga pambobomba at pagdukot para sa ransom na ang karaniwang target ay mga Kristiyano at dayuhan.
Iniuugnay din ang naturang mga rebelde ng Washington at Manila sa Al-Qaeda network na pinamumunuan ng international terrorist na si Osama bin Laden.
Ang mga naarestong rebelde, ayon naman kay Regional Military chief Narciso Abaya ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan at tulungan sa awtoridad upang magbigay ng karagdagang impormasyon laban sa kanilang kasamahan kaya hindi muna ibinunyag ang kanilang mga pangalan.
Ang pag-aresto sa mga rebelde ay bahagi ng opensiba ng pamahalaan laban sa Abu Sayyaf sa isla ng Basilan at Jolo.
Sa ngayon, tatlong tripulanteng Indonesian at apat na Filipina Christian preachers ang natitirang bihag ng mga rebeldeng ASG sa Jolo.
Bukod sa paglalagay ng tropa ng militar sa Jolo at pagbibigay ng military assistance mula sa US troops noong nakalipas na taon, patuloy ang militar sa kanilang paghahanap upang mabuwag at madakip ang ibang maliit na grupo ng rebelde na kabilang sa sinasabing self-styled Islamic fighters. (Ulat ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended