Ang epekto ng mga minahan sa Mt. Diwalwal
February 16, 2003 | 12:00am
Ang mga maliliit na minero ay pinagkakaitan na tamasahin ang kanilang pinaghirapan. Sinasamantala ang kanilang kamangmangan at kahirapan. Niloloko at pinagdadamutan ng isang magandang kabuhayan.
Ang hangarin lamang ng mga Lumads ay makakita ng ginto at maipalit ito sa halagang pambili ng kanilang makakain at ilang pangangailangan. Subalit ang karapatang ito ay tinanggal sa kanila.
Ginawang gatasan ng mapagsamantalang negosyante ang Mt. Diwalwal. Marami sa kanila ay naging milyonaryo o bilyonaryo na.
Sinasamantala din ito ng mga komunistang terorista at ginagawa nang negosyo ang "extortion" sa mga mahihirap at mayayamang minero.
Malawak ang operasyon ng NPA sa naturang lugar. Ninanakawan ng mga rebeldeng ito ang mga mahihirap na minero at layunin din na masarili ang teritoryo.
Dahil sa lumalalang problema sa kapayapaan sa Mt. Diwalwal, nagtalaga ang AFP ng isang infantry battalion sa lugar upang ma-neutralize ang lugar at ilang armadong grupo na naghahari-harian sa lugar at upang tumulong sa PNP at DENR na makamit ang kapayapaan, kaunlaran at katatagan ng mga naninirahan sa Mt. Diwalwal.
Naniniwala ang AFP na ang gold mining sa Mt. Diwalwal ay napakahalaga sa bansa kaya kailangan nito ang mahigpit na proteksiyon laban sa mga taong may maitim na hangarin.
Sa isang kasunduang sinimulan ni Pangulong Arroyo at ilang ahensiya ng pamahalaan, inaasahang magiging isang magandang lugar ang Mt. Diwalwal. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended