Iraqi envoy blacklisted
February 15, 2003 | 12:00am
Ipinagbabawal nang makapasok ng bansa si Iraqi diplomat Husham Hussain ng Bureau of Immigration dahil sa pagiging undesirable alien.
Ayon kay Immigration Commissioner Andrea Domingo, ang pagkatala kay Hussain sa blacklist ng BI ay upang maprotektahan ang national interest at dahil na rin sa kampanya ng bureau na ipagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan na banta sa seguridad ng bansa.
Si Hussain ay umalis na kamakalawa ng gabi kasama ang kanyang asawat tatlong anak makaraang taningan ng DFA ng 48 oras para makaalis ng bansa.
Inakusahan si Hussain na may kaugnayan sa Abu Sayyaf at may kinalaman sa Zamboanga bombing noong Oktubre na ikinasawi ng isang sundalong Kano. Ito ay matapos na makatanggap ng intelligence report mula sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang DFA hinggil sa pagkakaugnay ng Iraqi diplomat sa teroristang Abu Sayyaf.
Nagprotesta naman ang Iraqi government laban sa Pilipinas hinggil sa pagkakasipa sa kanilang envoy.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople na ipinatawag ng Iraqi Foreign Ministry si Philippine Charge d Affaires Grace Escalante sa Iraq ilang oras matapos ang kautusang "expulsion" kay Hussain.
Sumailalim si Escalante sa isang "routine questions" kaugnay sa ginawang pagsipa kay Hussain. Inihayag ng Iraq na nagulat sila sa naging mabilis na desisyon ng gobyerno ng Pilipinas at ito ay kontra umano sa namumuong magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Niliwanag naman ni DFA Undersecretary Lauro Baja na hindi apektado ang umiiral na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Iraq.
Matapos na maipatapon pabalik sa Iraq si Hussain, mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang ibang foreign embassy officials at consulates na nakabase sa bansa. (Ulat nina Jhay Mejias/Butch Quejada/Ellen Fernando/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest