^

Bansa

Remittances sa Canada na pag-aari ng Pinoy ipinasara

-
Sinimulang iparamdam ng Financial Action Task Force (FATF) sa Pilipinas ang magiging epekto ng paka-delay na maamyendahan ang ating Anti-Money Laundering Law matapos kanselahin ng Canada ang relasyon nito sa ating mga bangko habang nakalista tayo sa Non-Cooperative Countries and Territories (NCCT’s).

Sinabi ni Sen. Ramon Magsaysay Jr., chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, ipinasara na din sa Canada ang mga remittance companies na pag-aari ng Pinoy at nilimitahan na lamang sa 2 bangko ang binigyan ng lisensiya para sa pagpapadala ng mga OFW ng kanilang pera dito sa bansa.

Ayon kay Sen. Magsaysay, malaking epekto ito sa ating ekonomiya at maging sa pamilya ng mga OFW dahil sa limitado na lamang ang mga puwede nilang pagpadalhan ng remittances.

Aniya, tinaasan na rin ang singil sa remittances mula $30 hanggang $35 sa bawat remittance transactions ng OFWs na mangangahulugan ng pagkawala ng US$490 milyon sa ipadadala ng mga ito sa kanilang pamilya taun-taon.

Dahil din sa paghihigpit na ito ng FATF ay lalong mahihirapan at dadaan sa butas ng karayom ang mga undocumented OFWs sa US at Europe dahil sa ipinapatupad na requirement sa pagpapadala ng pera dito sa Pilipinas.

Nais ng FATF na ibaba ang kasalukuyang threshold na P4 milyon sa P500,000 habang tinututulan naman ito ng ilang senador kung saan nais nilang hanggang P2 milyon lamang ang dapat maging threshold. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

ANTI-MONEY LAUNDERING LAW

AYON

DAHIL

FINANCIAL ACTION TASK FORCE

NON-COOPERATIVE COUNTRIES AND TERRITORIES

PILIPINAS

RAMON MAGSAYSAY JR.

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with