Hindi tinanggap ni House Secretary General Roberto Nazareno ang impeachment complaint nang dalhin bandang alas-4:30 ng hapon sa Kamara ni Lynda Montayre, Chairman ng PCA at ng iba pa nitong mga kasamahan.
Base sa impeachment rules, kinakailangang may mag-endorsong Kongresista bago tanggapin ng House Sec. Gen ang anumang impeachment complaint.
"The rules are very clear. A complaint for impeahment filed by private complainant can only be entertained if there is a corresponding endorsement from a member or members of the House," ani Nazareno.
Sinabi naman ni Montayre na dapat ay tinanggap ang reklamo alang-alang sa tinatawag na due-process.
Nagtataka si Montayre kung bakit nagmamatigas ang Kongreso sa pagtanggap ng kanilang ihahaing impeachment complaint laban sa Pangulo. (Ulat ni Malou Escudero)