^

Bansa

Erap cabinet ang sisihin sa IMPSA! – Drilon

-
Iginiit kahapon nina Senate President Franklin Drilon at Sen. Joker Arroyo na hindi ang lagda ni dating Justice Secretary Hernando Perez ang naging daan para magkaroon ng kaganapan ang IMPSA deal.

Sinabi ni Sen. Drilon na ang pagkakaloob ng full power ni dating Pangulong Estrada sa kanyang mga Cabinet members para pumirma sa IMPSA contract ang nagbigay daan para maganap ang kontrata.

Sinabi din ni Sen. Arroyo na ang naging lagda ni Perez para sa DOJ opinion tungkol sa IMPSA contract ay hindi nakaapekto sa ibinigay na full power o government guarantee na inisyu ni dating Pangulong Estrada sa kanyang mga Cabinet secretaries na may kinalaman sa IMPSA deal.

Wika pa ni Arroyo, walang nagsasabi na ang IMPSA deal ay disadvantageous sa panig ng gobyerno kundi ang lumilitaw lamang ay ang inamin ni Erap na tinangka siyang suhulan ng $14 milyon ni Manila Rep. Mark Jimenez noong July 1999 para aprubahan ang kontrata ng Argentinian-based power firm para sa rehabilitasyon ng Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) hydroelectric plant sa Laguna.

Idinagdag naman ni Drilon na hindi ang isang Cabinet secretary na lumagda sa DOJ legal opinion ang makapagpapabago sa kontrata ng IMPSA kundi ang inisyung full power ni Erap ang magiging basehan para maaprubahan ito.

Wika pa ng Senate president, wala namang sinabing bago si Erap sa ginawa nitong pagharap sa Senate committee on government corporations and public enterprise ukol sa IMPSA contract.

Tinukoy din ni Arroyo na habang nasa kasagsagan ang impeachment trial sa Senado laban kay Erap noong December 18, 2000 kung saan ay tumestigo si Clarissa Ocampo ay naging abala pa rin ang Erap Cabinet sa IMPSA contract. (Ulat ni Rudy Andal)

CLARISSA OCAMPO

DRILON

ERAP

ERAP CABINET

IMPSA

JOKER ARROYO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MANILA REP

MARK JIMENEZ

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with