^

Bansa

Expansionist agenda ng Tsina kinondena

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumiklab ang kaliwa’t-kanang pagbatikos sa ­modern day expansionist agenda ng Tsina, partikular sa pag-aangkin nito sa Palawan bilang kanilang teritoryo, matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement.

Sa isang matapang na pahayag, tinawag ni Goitia ang pag-aangkin ng Tsina bilang “kakatawa-tawa” at isang “tahasang paglabag sa pandaigdigang batas,” ang pag-aangkin ng Tsina na bukod sa walang ­batayan ay malaking pang-iinsulto pa sa kaalaman ng mga Pilipino sa sariling kasaysayan at kultura.

Kinatawan ni Goitia ang iba’t ibang makaba­yang organisasyon, kabilang ang People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya at Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at first nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Party List.

Iginiit niya ang naturang pag-aangkin ay direktang sumasalungat sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), isang kasunduang nilagdaan mismo ng Tsina

Giit ni Goitia, nabalewala ang respeto at tiwala sa daan-daang taong relasyon ng Pilipino at Tsina na ­itinuring na malapit na kaalyado sa kalakalan at pagpapalitan ng kultura sa ginagawang agresyon sa Pilipinas.

Kinondena rin ni Goitia ang mga aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea, partikular ang pananakot sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng militar.

MOVEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with