^

Bansa

Pagbabalik ng ‘tanim-bala’ modus, binatikos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik ng ‘tanim-bala’ modus, binatikos
Nakakagalit umano ang muling pagkakita ng ganitong insidente na inakalang tuluyan nang napigilan, ngunit naghihintay lamang pala ng tiyempo at panibagong pagkakataon para ­muling mambiktima ang mga sangkot dito.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Ikinabahala ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang tila muling pagbabalik ng “tanim-bala modus” makaraang isang 69-anyos na pasahero sa NAIA 3 ang nabiktima noong Marso 6.

Nakakagalit umano ang muling pagkakita ng ganitong insidente na inakalang tuluyan nang napigilan, ngunit naghihintay lamang pala ng tiyempo at panibagong pagkakataon para ­muling mambiktima ang mga sangkot dito.

“Hindi ko lubos maisip na isang senior citizen na babae pa ang pagdududahan na may anting-anting na bala sa kanyang handbag,” ani Ordanes.

Sinabi rin ng mambabatas na hindi sapat ang ginawang pagtanggal sa puwesto ng tatlong tauhan ng Office of Transportation Security (OTS), tulad ng ipinahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon. Iginiit niya na kailangang kasuhan sila upang makamit ng biktima ang katarungan at para magsilbing babala muli sa mga sangkot sa modus.

Nanawagan si Ordanes sa mga kinauukulan na tiyakin na hindi na mauulit ang ganitong modus, hindi lamang sa mga senior citizen kundi sa lahat ng pasahero.

BULLET

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with