Angara ipipilit kapalit ni Drilon
January 10, 2003 | 12:00am
Siniguro kahapon ng oposisyon sa Senado na mayroon na silang sapat na bilang upang maagaw ang liderato ng Mataas na Kapulungan mula kay Senate President Franklin Drilon at mailuklok si Sen. Edgardo Angara bilang kapalit nito sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes.
Sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. na nakatakdang lumipat ang mga miyembro ng administrasyon sa kanilang kampo subalit siniguro nito na ang oposisyon ang magiging bagong mayorya.
Kabilang sa pinaniniwalaang lilipat sa kampo ng oposisyon sina Senators Loren Legarda, Juan Flavier, Ramon Revilla Sr., Robert Jaworski at Robert Barbers.
Ibinunyag rin kahapon ni Sen. Serge Osmeña III na inalok siya na maging pinuno ng Senate committee on finance ni Angara para suportahan lamang ang plano nitong agawin ang liderato kay Drilon.
Sinabi rin ni Sen. Osmeña na inalok din siya ni Drilon na pumili ng anumang komite na nais nitong pamunuan kapalit ang pagsuporta naman nito sa kanya bilang pangulo ng senado. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest