^

Bansa

P28-B overcharge ng Meralco pinapahanap

-
Ipinag-utos kahapon ni Deputy Speaker Raul Gonzalez sa Energy Regulatory Commission (ERC) na hanapin kung saan ginamit ang P28 bilyong overcharge ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga consumers.

Isang sulat ang ipinadala ni Gonzalez kay ERC chairperson Leticia Ibay kung saan sinabi nito na dapat magsagawa ng auditing sa pondong ipinag-utos ng Korte Suprema na ibalik sa mga consumers.

Ipinagtataka ni Gonzalez kung bakit mas pinag-uusapan ngayon na mabawi ng Meralco mula sa mga consumer ang "uncovered" PPAs tulad ng isinasaad sa direktiba ng ERC subalit hindi naman ipinaliliwanag kung saan napunta ang sobrang singil sa kanila sa kuryente.

Sinabi pa ng solon na hindi lamang dapat masentro ang usapin sa pagbabalik sa overcharged kundi dapat ding hanapin ng ERC kung saan negosyo ito ginamit dahil kung nasa bangko anya ang P28 bilyon ay siguradong malaki na ang tubo nito sa kasalukuyan at dapat din itong ibalik sa mga electric consumers.

Iginiit din ng solon na hindi dapat ibalik ang mataas na PPA hanggat hindi ibinabalik ang sobrang siningil ng Meralco.

Napakabilis anyang magtaas ng singil sa kuryente ang Meralco subalit napakabagal namang magbalik sa sobra nilang siningil. (Ulat ni Malou Escudero)

DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALEZ

ENERGY REGULATORY COMMISSION

GONZALEZ

IGINIIT

IPINAG

KORTE SUPREMA

LETICIA IBAY

MALOU ESCUDERO

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with