Hindi na rin puwede ang cash advances ng mga opisyal at opisina ng pamahalaan na may mga unliquidated advances.
Upang mabantayan kung paano ginagastos ang pondo, nakasaad sa ipinasang panukalang batas ang pagsusumite sa Kongreso ng quarterly reports ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan. Ang budget para sa telepono ay kailangan ding ilagay sa report.
Sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, chairman ng House committee on appropriations na may kapangyarihan ang Kongreso na bantayan kung paano ginagastos ang pera ng taumbayan.
Ang motor vehicles na maari lamang bilhin ngayong taon ay mga ambulansiya, military at police patrol vehicles at construction equipment.
Ituturing na ring ilegal ang paglalagay ng gasolina, piyesa, pagre-repair at maintenance ng alinmang sasakyan ng gobyerno na hindi naman opisyal na identified at walang govt plate numbers.
Exempted lamang sa nabanggit na probisyon ay ang sasakyang ginagamit ng Presidente, Vice President, Senate President, Chief Justice at heads ng constitutional commissions.
Hihigpitan na rin ang paglabas sa bansa ng mga opisyal ng gobyero upang malubos ang pagtitipid. Ang mga police at military officers ay hindi na rin papayagang dumalo sa mga foreign training at conferences kung nakatakda na silang magretiro sa loob ng isang taon.
Ilegal na rin ang pagbabayad ng honoraria, allowances at iba pang uri ng compensations sa mga govt employees kung hindi ito itinatakda ng batas. (Ulat ni Malou Escudero)