Bunye hinirang na bagong Presidential spokesman
January 7, 2003 | 12:00am
Pormal nang itinalaga kay Press Secretary Ignacio Bunye ang pagiging Presidential Spokesman matapos na tuluyan na itong iwan kahapon ni Rigoberto Tiglao para mag-full time naman bilang hepe ng Presidential Management Staff ni Pangulong Arroyo.
Sa isang press briefing, sinabi ni Tiglao na binitiwan niya ang presidential spokesman para puspusan nang gampanan ang kanyang tungkulin bilang chief of staff.
Ayon naman kay Bunye, isang karangalan ang gumanap ng dalawang tungkulin, gayunman may report na maaring pumasok sa eksena si Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza at siyang itatalaga ng Pangulo na Press Secretary.
Nabatid na limang beses na umanong kinulit ni Pangulong Arroyo si Braganza na pumayag itong maging press secretary at kamakalawa ay muling tinawagan ito ng Pangulo para kumbinsihin pero hindi pa niya ito tinatanggap. (Ulat nina Lilia Tolentino/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended