Hollywood interesadong isa-pelikula ang buhay ni Rosebud
December 27, 2002 | 12:00am
Papalaot hindi sa lokal na industriya ng pelikula sa bansa kundi sa Hollywood ang buhay ng kontrobersiyal na si dating Narcotics agent Mary Ong alyas Matahari at Rosebud.
Nabatid sa isang panayam kay Rosebud mula sa safehouse nito sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na nagkaroon na ng inisyal na pakikipag-negosasyon sa kanya ang sikat na Asian director na si John Woo, ang director ni Tom Cruise sa Mission Impossible II.
Ayon kay Rosebud, ang agent ni Woo na si Carl Ryll ay nangako sa kanya ng isang six figure deal sa halaga ng dolyares para sa rights ng kanyang istorya at isang 2% royalty mula sa kikitain ng pelikula.
Sakaling matuloy ang true to life story ni Rosebud ay papasok ang lahat ng mga elemento na maituturing na box office hit na kinapapalooban ng pag-ibig, karahasan, kataksilan at intriga. Pero dahil ayaw ni Rosebud na mahatulan ito ng pulitika ay hindi ito iikot sa mga kilalang karakter tulad nina Sen. Panfilo Lacson, P/Chief Supt. Reynaldo Berroya at ISAFP Chief Col. Victor Corpus.
Ngunit kasama ang yumaong lover na si P/Supt. John Campos para sa love angle ng pelikula.
Alin kina International Asian actresses Michelle Yeoh ng Crouching Tiger Hidden Dragon; Lucy Liu ng Charlies Angels o si Kelly Hu ng Scorpion King ang nais ni Rosebud na gumanap bilang isang Binondo girl-turned dollar smuggler-turned narcotics para sa Hong Kong at Philippine Police.
Ang screenplay naman ay iaakda ng isang team writers mula sa US at ang shooting ng pelikula ay malamang na gawin na rin sa nasabing bansa, ayon na rin kay Rosebud. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am