Di kami aatake - Ka Roger
December 24, 2002 | 12:00am
Inihayag kahapon ni CPP-NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na kahit hindi nagdeklara ng tigil-putukan ang kanilang kilusan ay hindi naman maglulunsad ng mga pag-atake ang mga rebelde sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni Ka Roger sa radio interview ng dzBB na pinatalastasan na nila ang kanilang mga tauhan at taga-suporta na puwede na silang makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Pero kung may isasagawa umanong opensiba ang mga sundalong militar sa panahon ng Suspension of Military Operations (SOMO) ay handa naman nilang tugunin ang ganitong pananalakay.
Nilinaw din ni Ka Roger na hindi kasama sa hit list ng CPP-NPA si Pangulong Arroyo.
Maari anyang napaulat ito dahil sa kanyang nasabi sa isang panayam na kung ang pag-uusapan ay ang nagaganap na pagpaslang sa kanilang mga taga-suporta sa Timog Katagalugan, ang Pangulo ang siyang direktang may responsibilidad nito kung kaya puwede siyang litisin sa kanilang korte para panagutin.
Pero sinabi ni Ka Roger na wala pa namang ganitong hakbang na ginagawa ang kanilang organisasyon.
Tinatayang mahigit isandaang libong mga rebeldeng NPA at kanilang symphatizers ang nakatakdang magtipun-tipon sa ibat ibang bahagi ng kapuluan upang ipagdiwang ang ika-34 taong pagkakatatag ng CPP sa darating na Disyembre 26. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended