^

Bansa

Gobyerno kumita sa school rooms: Duda ni Oreta

-
Inakusahan kahapon ni opposition Senator Tessie Aquino-Oreta ang Arroyo administration na "kumita" sa overpriced na ipinagawa nitong mga school rooms.

Sinabi ni Sen. Oreta, dating chairman ng Senate committee on education, mismong si Education Sec. Edilberto de Jesus ang umamin na ang mga silid-aralan sa ilalim ng Arroyo government ay ginastusan ng P250,000 kada silid.

Ang nasabing silid-aralan ay batayang istraktura pa lamang at walang gamit gaya ng blackboard, kisame at pintura sa ilalim ng programang "School for Every Barangay" sa bansa.

Wika ni Oreta, lumilitaw na overpriced ang pagkakagawa ng mga school rooms na ito dahil ang Filipino Chinese Federation Chamber of Commerce and Industry (FCFCCI) ay nakagawa ng 2 school rooms na ginastusan lamang ng P300,000 at kumpleto pa ito ng kisame, blackboard at pinturado.

Aniya, maliwanag na kumikita ang mga opisyal ng P200,000 sa bawat 2 classrooms ay magkakahalaga lamang ito ng P300,000 kumpara sa P250,000 bawat silid na gagawin ng gobyerno.

Iginiit pa ni Oreta na sa halip na mas maraming silid-aralan ang maipagawa ng gobyerno sa ilalim ng programa nito ay siguradong mababawasan dahil overpriced ang pagkakagawa ng mga classrooms nito. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

EDILBERTO

EDUCATION SEC

EVERY BARANGAY

FILIPINO CHINESE FEDERATION CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

IGINIIT

INAKUSAHAN

ORETA

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with