Toy guns, bayolenteng video games ipagbawal
December 17, 2002 | 12:00am
Pinakikilos ng isang mambabatas ang pamahalaan upang tuluyang alisin ang mga laruan ng mga batang nagtutulak sa mga bata upang maging kriminal pagdating ng araw.
Sinabi ni Quezon Rep. Rafael Nantes na dapat magtulungan ang Department of Trade (DTI) at Phil. National Police sa pagkumpiska ng mga laruang baril na akala moy totoo at minsan ay ginagamit pa ng mga kriminal.
Nais din ng kongresista na limitahan sa mga nasa hustong gulang ang naglalaro ng mga mararahas na video games.
Napakaraming mga bata aniya ang nalululong sa mga video games na katulad ng counter strike at ang iba pa nga ay lumiliban pa sa klase makapaglaro lamang nito.
" Nakikita na nila ang mga karahasan sa mga nilalaro nila kaya dumarating ito sa panahon na nais nilang maranasan ang mga tunay na labanan na nakikita nila sa video games", dagdag pa ni Nantes.
Base aniya sa talaan ng PNP, mayroong 3, 747 na kasong kriminal ang naitala noong taong 2000 na kagagawan ng mga kabataan. Tumaas ang nasabing bilang sa 5,905 na kaso noong nakaraang taon.
Labis na rin aniyang nakakabahala ang dumaraming bilang ng mga nabibilanggong kabataan na isinasama sa bilangguan ng mga matatandang kriminal at kung hindi kikilos ang pamahalaan ay siguradong mas lulubha pa ang problema dahil sa halip na magbago ang mga kabataan ay lalong lumalakas ang loob ng mga itong gumawang masama. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest