Malacañang dinepensa ang water rate hike
December 16, 2002 | 12:00am
Dumepensa agad ang Malacañang sa pagpapatupad ng dagdag na singil sa tubig ng Manila Water Company na ipagkakaloob din sa Maynilad Water Services Inc.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na may mga basehan ang nasabing water rate hike dahil na rin umano sa paggalaw ng piso kontra dolyar.
Nakatakdang ipatupad ng Manila Water Company ang dagdag na singil sa Enero 1 na aabot sa P4.25 per cubic meter.
Sinabi rin ng Malacañang na maaaring ito rin ang ipagkaloob sa Maynilad na naunang nagpasya na isoli sa gobyerno ang pagseserbisyo ng tubig.
Nilinaw ni Bunye na hindi naman maituturing na isang pangba-black mail ang ginawa ng Maynilad dahil nakikita ito sa pag-aaral ng Manila Water Company na kailangan ang pagtaas ng singil ng tubig.(Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest