Ayon sa Palasyo, lumalabas sa pag-aaral ng Office of the Solicitor General at Department of Justice (DOJ) na maraming probisyon sa kontrata ang umanoy kuwestiyunable kaya idineklarang null and void.
Ipinag-utos ng Pangulo sa DOJ at Presidential Anti-Graft Commission na imbestigahan kung sino ang dapat managot sa maanomalyang kontrata.
Gayunman tuloy ang pagbubukas ng NAIA Terminal 3. (Ulat ni Lilia Tolentino)