DOJ post sinusulot na!
November 28, 2002 | 12:00am
Malamang umano na wala nang babalikang posisyon ang naka-bakasyong si Justice Secretary Hernando Perez.
Ayon sa isang mapapanaligang impormante, interesado si Presidential Legal Counsel Avelino Cruz na masungkit ang puwesto ni Perez.
Sinabi ng source na tanging ang DOJ na lamang ang hindi hawak ng grupo ni Cruz na Carpio-Villaraza-Cruz Law Office na sinasabing malakas na power bloc sa Malacañang.
Sinabi ng source na nakuha na ng grupo ni Cruz ang Ombudsman sa pamamagitan ni Simeon Marcelo, samantalang sa Korte Suprema ay naitalaga na si Justice Antonio Carpio.
Gayunman, agad pinabulaanan ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na may sumusulot na sa puwesto ni Perez.
Iginiit ni Tiglao na hindi umano interesado si Cruz sa nasabing posisyon sa DOJ.
Ipinaliwanag rin kahapon ng Palasyo na walang indikasyong nagmumula kay Pangulong Arroyo na ang isang buwang bakasyong ibinigay kay Perez ay daan sa tuluyan na nitong pagkakasipa sa puwesto.
Nilinaw ng Malacañang na buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Perez at kapag nalinis na ang pangalan nito ay agad ding makakabalik sa DOJ.
Masyado umanong mababaw at magaang na kaparusahan para sa isang Cabinet official na naakusahan ng extortion ang 30-araw na pagpapabakasyon ni Pangulong Arroyo kay Justice Secretary Hernando Perez.
Ito ang paniniwala ng militanteng organisasyong Katipunan ng Anak ng Bayan (KAAKBAY) na lumalaban sa graft and corruption sa pamahalaan.
Sinabi ni KAAKBAY national chairman Alain Pascua na pinatutunayan lamang nito na double standard pa rin ng hustisya ang nangingibabaw sa ating bansa. "Kung mahirap ang naakusahang nagnakaw ng ilang libong piso, kalaboso agad ang aabutin samantalang kapag mayaman at makapangyarihang opisyal ng Gabinete, pagbabakasyunin lang at sigurado pang magpapakasasa siya sa kinurakot niyang milyones," pahayag ni Pascua.
Iginiit ni Pascua na walang ibang dapat gawin si Pangulong Arroyo at ang Ombudsman kundi ang sampahan kaagad ng kasong plunder si Perez at ikulong ng walang piyansa upang mabura ang pagdududa sa kasalukuyang administrasyon at hindi ito maakusahang nagtataguyod ng double standard of justice. (Ulat nina Ely Saludar at Lilia Tolentino)
Ayon sa isang mapapanaligang impormante, interesado si Presidential Legal Counsel Avelino Cruz na masungkit ang puwesto ni Perez.
Sinabi ng source na tanging ang DOJ na lamang ang hindi hawak ng grupo ni Cruz na Carpio-Villaraza-Cruz Law Office na sinasabing malakas na power bloc sa Malacañang.
Sinabi ng source na nakuha na ng grupo ni Cruz ang Ombudsman sa pamamagitan ni Simeon Marcelo, samantalang sa Korte Suprema ay naitalaga na si Justice Antonio Carpio.
Gayunman, agad pinabulaanan ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na may sumusulot na sa puwesto ni Perez.
Iginiit ni Tiglao na hindi umano interesado si Cruz sa nasabing posisyon sa DOJ.
Ipinaliwanag rin kahapon ng Palasyo na walang indikasyong nagmumula kay Pangulong Arroyo na ang isang buwang bakasyong ibinigay kay Perez ay daan sa tuluyan na nitong pagkakasipa sa puwesto.
Nilinaw ng Malacañang na buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Perez at kapag nalinis na ang pangalan nito ay agad ding makakabalik sa DOJ.
Ito ang paniniwala ng militanteng organisasyong Katipunan ng Anak ng Bayan (KAAKBAY) na lumalaban sa graft and corruption sa pamahalaan.
Sinabi ni KAAKBAY national chairman Alain Pascua na pinatutunayan lamang nito na double standard pa rin ng hustisya ang nangingibabaw sa ating bansa. "Kung mahirap ang naakusahang nagnakaw ng ilang libong piso, kalaboso agad ang aabutin samantalang kapag mayaman at makapangyarihang opisyal ng Gabinete, pagbabakasyunin lang at sigurado pang magpapakasasa siya sa kinurakot niyang milyones," pahayag ni Pascua.
Iginiit ni Pascua na walang ibang dapat gawin si Pangulong Arroyo at ang Ombudsman kundi ang sampahan kaagad ng kasong plunder si Perez at ikulong ng walang piyansa upang mabura ang pagdududa sa kasalukuyang administrasyon at hindi ito maakusahang nagtataguyod ng double standard of justice. (Ulat nina Ely Saludar at Lilia Tolentino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest