^

Bansa

Gobyerno umatras sa planong itake-over ang Meralco

-
Tuluyang inabandona ng gobyerno ang panukalang ito ang magpatakbo ng Meralco matapos umani ng batikos ang naturang balak.

Inamin kahapon ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho na ibinasura na ang kontrobersiyal niyang planong itake-over ang Meralco matapos itong lumikha ng mga negatibong reaksiyon hindi lamang sa pamilya Lopez kundi maging sa publiko.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Camacho na may bagong binabalangkas na plano si Energy Sec. Vince Perez para matulungan ang Meralco na malutas ang problema nito sa pinansiyal nang hindi naisasakripisyo ang kapakanan ng publiko.

Ayon kay Camacho, wala siyang intensiyong kontrolin ng gobyerno ang Meralco dahil kung tutuusin naman ang pamahalaan ang siyang may pinakamalaking saping puhunan sa kompanya.

Pinabulaanan din ni Camacho ang mga haka–haka na ang planong pagkontrol ng pamahalaan sa Meralco ay isang paraan para mapilitan ang pamilya Lopez na magamit ng administrasyon ang ABS-CBN sa political campaign ni Pangulong Arroyo sa 2004. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

CAMACHO

ENERGY SEC

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

INAMIN

LILIA TOLENTINO

LOPEZ

MERALCO

PANGULONG ARROYO

VINCE PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with