Kinatawan nina Foreign Affairs Undersecretary for Policy Lauro Baja Jr. at Deputy Secretary ng Ministry of Foreign Affairs Jose Guerra Menchero ng Cuba ang paglagda sa naturang kasunduan.
Nakasaad sa kasunduan na ang bawat Pilipino o Cuban na napiit at nahatulan ay maaari nang ilipat sa kani-kanilang bansa para dito ipagpatuloy ang kanilang sentensiya.
Nabatid kay Menchero na apat na taon nang nakakulong ang tatlong tripulanteng Pinoy na may edad 25-27 na nahatulan ng walo hanggang 12 taon sa kasong drug trafficking.
Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang kanilang mga pangalan.
Inaasahan na sa loob ng dalawang buwan matapos makumpleto ang mga dokumento ng mga ito ay makakabalik na sa bansa ang tatlo. (Ulat ni Ellen Fernando)