7 pang bayani ng flight 585 humabol sa reward ni GMA
November 22, 2002 | 12:00am
Matapos malathala sa mga pahayagan ang larawan ng isang pamilya habang tumatanggap ng cash reward mula kay Pangulong Arroyo, pito pang bagong "bayani" ng November 11 flight 585 crash ang nagsulputan at nagpahayag na nais rin nilang kunin ang kanilang gantimpala.
Pero may problema, ayon kay Philippine Cost Guard spokesman Lt. Armand Balilo, dahil naipadala na nila ang final report sa Malacañang. Tuloy, gagawa na lamang sila ng panibagong report at Malacañang na ang bahalang magdedesisyon.
Kung matatandaan, noong Martes ay personal na tinanggap ng pamilya Naga na binubuo nina Edgar, anak nitong si Elorde, 12, kapatid na si Crispulo, at Rico Cayabyab, 15, ang kanilang reward mula sa Pangulo. Ang mga matatanda ay binigyan ng tig-P50,000 habang scholarship naman ang ipinangako sa dalawang binatilyo.
Kinabuksaan ng mabasa ng pitong mangingisda ang pagtanggap ng reward ng pamilya Naga ay agad silang nagtungo sa PCG.
Sinabi naman ni Balilo na kinumpirma ng Naga family na ang pitong mangingisda ay kasama nila sa pag-rescue, gayunman bineberipika pa rin ng kanilang intelligence personnel kung tutoo nga ito.
Kahapon ay inatasan na ni Balilo ang kanyang mga tauhan para kunin ang mga pangalan at kapanayamin ang pito na nakatira sa seaside homes sa Tambo, Parañaque.
Ang pamilya Naga ay kabilang sa mga unang dumating sa crash site at tumulong sa pagsagip sa mga pasahero.
Samantala ang pito na kapitbahay ng mga ito ay kasalukuyang nangingisda sakay ng dalawang bangka ng maganap ang pagbagsak ng Laoag Air sa Manila Bay.
Siniguro naman ni Balilo na may record ang PCG ng mga fishing boats na tumulong sa rescue kaya malalaman din nila kung kasama nga ang pito. (Ulat ni Jose Aravilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest