^

Bansa

Mga bayani ng flight 585 pinuri ni GMA

-
Tinuring ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makabagong bayani ng bansa ang dalawang mangingisda at mga anak nila dahil sa ginawang pagliligtas sa mga pasahero ng bumagsak na eroplano ng Laoag International Airlines flight 585 noong nakaraang linggo.

Ang mga nadagdag na bayani ng lahi tulad ng OFWs ay ang magkapatid na mangingisdang sina Edgar at Crispulo Naga at ang kanilang mga anak na sina Elorde,12 at Rico Cayabyab,15,ampon ni Edgar.

Ang apat ay ipinatawag ng Pangulo sa Malacañang para mabigyan ng kaukulang parangal dahil sa ipinamalas nilang kabayanihan sa pagliligtas ng 15 pasahero.

Dalawang tsekeng nagkakahalaga ng P50,000 ang ibinigay ng Pangulo kina Edgar at Crispulo na lubos na nagpapasalamat sa maagang pamasko sa kanila.

Samantala, sisimulan ngayon ng binuong panel ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang imbestigasyon sa pagbagsak ng flight 585 na ikinasawi ng 19 na pasahero.

Ayon kay Usec. Arturo Valdez, ipapatawag ng investigating body ang piloto na si Capt. Bernie Crisostomo at ang co-pilot nitong si Joseph Gardiner bilang pasimula ng imbestigasyon maging ang mga survivors. (Lilia Tolentino at Rudy Andal)

vuukle comment

ARTURO VALDEZ

BERNIE CRISOSTOMO

CRISPULO NAGA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

JOSEPH GARDINER

LAOAG INTERNATIONAL AIRLINES

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RICO CAYABYAB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with