^

Bansa

Non-PMAers isa-isang winawalis?

-
Nababahala ang mga non-PMAers sa bakuran ng PNP na isa-isa na silang wawalisin sa posisyon kasunod ng pagkakasibak kamakalawa kay P/Director Lucas Managuelod.

Si Managuelod, hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management at kasalukuyang presidente ng Police Graduates for Integrity, Morality and Order (PRIMO), isang samahan ng hindi produkto ng Philippine Military Academy ay tinanggal sa kanyang puwesto at inilagay sa floating status.

Nabatid sa isang source na isang "secret meeting" ang agarang isinagawa ng mga miyembro ng PRIMO para talakayin ang mga posibleng kahihinatnan ng mga ito sa kasalukuyang pamunuan ng PNP ngayong maging ang kanilang lider na si Managuelod ay sinibak.

Ang grupo ay may 3,000 miyembro ng binubuo ng mga police officials at non-commissioned officers ngunit tanging si PRIMO member C/Supt. Robert Delfin, directorate for intelligence, ang may mahalagang posisyon sa departamento.

Nais ng PRIMO na magkaroon ng pantay na pagtingin sa kanilang PMAer counterparts dahil sa lantaran na umanong napapaboran ang mga huli partikular sa mga juicy positions sa PNP.

Samantala, isa pang source sa PRIMO ang nagsabi na posibleng kagagawan ni Deputy Director Gen. Virtus Gil, chief of directorial staff, ang sinapit ni Managuelod at siyang nag-impluwensiya sa Malacañang para ito’y masibak gamit ang alegasyong pakikipag-secret meeting umano nito (Managuelod) kay Sen. Panfilo Lacson.

Si Managuelod ay nakatakda pang magretiro sa darating na Marso 9, 2003. (Ulat ni Joy Cantos)

DEPUTY DIRECTOR GEN

DIRECTOR LUCAS MANAGUELOD

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

JOY CANTOS

MANAGUELOD

MORALITY AND ORDER

PANFILO LACSON

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SI MANAGUELOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with