Mag-klasmeyt nasapol ng sasakyan habang nag-ti-text
November 17, 2002 | 12:00am
SILANG, Cavite Marahil magsisilbing babala ang pangyayaring ito sa mahihilig mag-text habang tumatawid sa kalsada.
Dalawang mag-aaral ng high school ang nasa kritikal na kalagayan ngayon matapos mabundol ng Pajero habang tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay Lalaan 1, ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Estrella Hospital ang mga biktimang sina Monette Ebo at Arvin Lomarca, kapwa 17-anyos, mag-aaral ng St. Anthony at residente ng Mendez, Cavite.
Arestado naman ang suspek at driver ng Pajero na may plakang TBN-441 na si Jose Joaquin Dayrit, may-asawa, architect at residente ng Dasmariñas Village, Makati City.
Batay sa pangyayari, dakong alas-6:45 ng gabi ay mabilis umanong pinatatakbo ng suspek ang kanyang sasakyan at hindi namalayan ang tumatawid na mga biktima at tuluyan na itong nabangga.
Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO2 Levy Buladas, kanyang napag-alaman na habang tumatawid ang magkaklase ay abala umano sa pagti-text ang mga ito at hindi namalayan ang mabilis na pagdating ng sasakyan ng suspek.
Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double serious physical injuries ang driver. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended