2 PEA directors muntik magsapakan
November 7, 2002 | 12:00am
Muntik ng magsapakan ang dalawang dating opisyal ng Public Estate Authority (PEA) matapos na magkainitan at magkasagutan ang mga ito habang ginaganap ang isang press conference hinggil sa kontrobersiyal na Diosdado Macapagal Avenue scam kahapon sa Ciudad Fernandina, Greenhills, San Juan.
Nabatid na hindi pa man nag-iinit sa pagkakaupo ang dalawa kasama ang ilan pang panauhin ay biglang hinamon ng nagbitiw na PEA director na si Rodolfo Tuazon ang whistle blower na si Sulficio Tagud, isa ring PEA director, na kapwa sila sumailalim sa lie detector test upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang sinungaling at nagsasabi sa totoong isyu ng highway scam.
"Youre an expert in lying Dr. Tagud! Youre a liar!" galit na sabi ni Tuazon sa na-shock na si Tagud.
Kapwa nagngangalit ang mga bagang at nakakuyom ang mga kamay ng dalawa kaya agad na pumagitna ang moderator na si Ces Cabrera ng Radyo ng Bayan para pigilan ang pagpapang-abot ng dalawa na itinuturing ngayong mortal na magkaaway.
Dahil dito, ipinagpaliban ang forum at itatakda na lamang ang muling paghaharap ng dalawa sa susunod na linggo.
Ayon kay Tuazon, nililinlang umano ni Tagud ang publiko sa pag-aanunsiyong may nangyaring kickback sa naturang proyekto.
Aniya, nagsisinungaling umano si Tagud sa suspetsa nito na pinaboran ng kanyang administrasyon ang bidding para sa DM Legaspi Construction para sa package 2 ng nasabing proyekto.
Ipinaliwanag pa ni Tuazon na hindi na umano makapagsasagawa pa ng bidding ang DM Legaspi para sa package 1 dahil hawak na ito ng SM Holdings.
Ayon pa rito, P817 milyon lang umano ang halaga ng proyekto at hindi P1 bilyon tulad ng ibinulgar ni Tagud.
Bumuwelta naman si Tagud sa pagsasabing kaya nitong suportahan ng mga dokumento ang kanyang mga alegasyon na ililitaw niya sa susunod nilang paghaharap ni Tuazon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest