Ayon kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople, ang kawalan ng ibang kandidato sa buong Asia mula sa Asian consensus ay isang senyales na makukuha ng Pilipinas ang posisyon na mababakante ng bansang Syria sa Disyembre 2003.
Sinabi ni Ople na ang consensus decision ng Asian Group para sa Pilipinas na maging miyembro ng Security Council ay nagpapakita ng kumpiyansa na ang Asia ay may nakikitang abilidad sa Pilipinas na humarap sa mga hamon pagdating sa national at international.
Ikinalugod naman ng Malacañang ang napipintong paghirang ng bansa bilang isang miyembro ng UN Council bagaman hndi sa pirmihang kapasidad. Sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na makakadagdag din ito ng sigla sa isinusulong na kampanya ng bansan laban sa terorismo. (Ulat nina Ellen Fernando/Lilia Tolentino)