Ito ang suhestiyon ni Senate Majority Leader Loren Legarda kahapon bilang reaksiyon sa pagpatay kay Mayor Clarence Benwaren ng Tineg, Abra sa loob mismo ng isang simbahan sa Calauan, Laguna.
"Crimes perpetrated inside zones of peace should be considered as an affront to everything that society holds sacred and deserving of the maximum penalty prescribed by law," sabi ni Legarda.
Ipinaliwanag ng senadora na ang pagpatay kay Mayor Benwaren ay kinakitaan ng katrayduran dahil karaniwan nang di iniisip ng tao na siyay malalagay sa malaking panganib sa loob ng pook sambahan.
"If killing a man inside his house carries a stiffer penalty in the light of the violation of the sanctity of the victims abode, I say that killing inside a church or a school should also be classified as most treacherous and condemnable," paliwanag ni Loren. (Ulat ni Rudy Andal)