^

Bansa

Bulacan governor, 24 mayor sentensiyado ng NPA

-
Nasa hit list umano ng New People’s Army (NPA) si Bulacan Governor Josie dela Cruz at 24 na mga mayor ng probinsiya dahil sa pagkakasangkot sa mga illegal activities.

Ang mga naturang lokal na opisyal ay nakasunod na umano sa pinatay na alkalde ng Tineg, Abra na si Clarence Benwaren.

Dalawa umanong Bulacan mayors ang pinadalhan na ng death threats ng NPA, ayon kay Bulacan provincial director Sr. Supt. Felizardo Serapio. Ang mga ito ay sina Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr. at Meycauayan Mayor Eddie Alarilla.

Bunga nito, inalerto na ni Region 3 Police Director, Chief Supt. Jose Calderon sina Governor dela Cruz at kanyang mga alkalde na dagdagan pa ng mga ito ang kanilang security force upang paghandaan ang posibleng pag-atake sa kanila ng mga hit men.

Ayon sa intelligence report na hawak ni P/Supt. Anastacio Inoncillo, hepe ng Bulacan PNP Intelligence and Investigation Branch, kabilang umano ang mga pangalan nina dela Cruz, Villanueva at Alarilla sa mga lilikidahin ng nasabing grupo, batay sa mga polyetos na ipinamigay ng mga armadong kalalakihan na nagpasabog at sumunog sa mga makinaryang ginagamit sa quarrying sa dalawang crushing plant nito sa Barangay Donacion at Niugan kamakailan.

Target din umano ng liquidation squad ng NPA ang ilan pa sa mga barangay at government officials sa lalawigang ito dahil sa sinasabing pagkakasangkot ng mga ito sa illegal activities partikular ang operasyon ng illegal quarry.

Inaalam na rin ng PNP mula sa ibang alkalde sa Central Luzon partikular na sa lalawigan ng Bataan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac na posibleng kasama sa sinasabing nasa hit list ng NPA.

Matatandaan na makarang patayin si dating Mayor Honorato Galvez ng San Ildefonso, Bulacan noong Hulyo 2000 ay nasundan naman ito ng pag-ambus at pagpatay kay Mayor Steve Paulino ng Doña Remedios Trinidad at mga pagpaslang pa sa ilang mga barangay at government officials ng Bulacan na hinihinalang kagagawan ng mga miyembro ng nabanggit na grupo.(Ulat nina Danilo Garcia at Efren Alcantara)

ANASTACIO INONCILLO

BARANGAY DONACION

BOCAUE MAYOR EDUARDO VILLANUEVA JR.

BULACAN

BULACAN GOVERNOR JOSIE

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

CLARENCE BENWAREN

CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with