^

Bansa

Presidente Bush pinuri si GMA

-
Los Cabos, Mexico (via PLDT) – Pinuri ni US President George W. Bush si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa patuloy na kampanya ng kanyang administrasyon na labanan ang terorismo at paglaban sa mga terorista.

Ito ang naging paksa ng one-on-one meeting ng Pangulo kay Bush sa nagaganap na APEC Leaders Summit dito.

Kaya naman sinabi ng Pangulong Arroyo na kumikilos si Pangulong Bush upang dagdagan ang pagsuporta nito sa Pilipinas laban sa terorismo.

Inihalimbawa ng Pangulong Arroyo ang pagtulong ng US sa intelligence community ng Pilipinas upang mapag-ibayo ang paglaban sa terorismo.

Maging sa pakikipagpulong ng Pangulong Arroyo kay Australian Prime Minister John Howard, nagkasundo ang dalawang lider na magkatuwang na labanan ang terorismo, dahilan sa maraming Australiano ang namatay sa pagsabog sa Bali,Indonesia na kagagawan ng terorista. (Ulat ni Ely Saludar)

AUSTRALIAN PRIME MINISTER JOHN HOWARD

AUSTRALIANO

ELY SALUDAR

LEADERS SUMMIT

LOS CABOS

PANGULONG ARROYO

PANGULONG BUSH

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PILIPINAS

PRESIDENT GEORGE W

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with