Benipayo piniling Solicitor General
October 14, 2002 | 12:00am
Napili na raw ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si dating COMELEC Chairman Alfredo Benipayo bilang bagong Solicitor General kapalit ni Simeon Marcelo na itinalaga naman ng Pangulo bilang Ombudsman.
Ito ang balitang kumalat kahapon sa Palasyo na nagsasabing tapos na ang paghahanap sa ipapalit sa puwestong binakante ni Marcelo.
Nang kapanayamin ng mga mamamahayag si Press Secretary Ignacio Bunye hinggil dito, sinabi niyang wala pang impormasyong nakakarating sa kanya sa pagkakapili kay Benipayo bilang Solicitor General.
Si Benipayo ay nagbitiw bilang Chairman ng Commission on Elections matapos mabigong makuha ang kumpirmasyon ng Commission on Appointment sa nominasyon niya sa puwesto.
Inirekomenda siya bilang associate justice ng Korte Suprema para sa binakanteng puwesto nang nagretirong associate justice Jose Melo pero hindi rin siya nakasama sa shortlist ng mga iniharap na listahan sa Palasyo.
Ayon sa mapapanaligang impormante si Benipayo na ang napisil na pumalit sa bagong hirang na Ombudsman Marcelo. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended