Imbestigasyon sa Macapagal Avenue scam tapusin na! GMA
October 1, 2002 | 12:00am
Binigyan ng 60 working days na taning ni Pangulong Arroyo ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) para tapusin ang imbestigasyon hinggil sa umanoy P600 milyong overpricing sa Diosdado Macapagal Ave. ng Public Estates Authority (PEA).
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na kumikilos na rin si PEAC officer-in-charge Simeon Datumanong upang kunin ang kooperasyon ng lahat ng empleyado ng PEA upang maging mabilis ang pagsisiyasat.
Sa kabila nito, walang balak ang Malacañang na palitan ang pangalan ng Diosdado Macapagal blvd. matapos na mabahiran ng anomalya.
Ayon kay Bunye, mas makabubuting ituon ang isyu sa imbestigasyon ng umanoy anomalya sa halip na palitan ang pangalan.
Tugon ito ng Palasyo sa panukala ni House Speaker Jose de Venecia at dating Senate president Ernesto Maceda dahil nasisira umano ang pangalan ni yumaong Pangulong Diosdado Macapagal.
Kasabay nito, nilinaw ni Bunye na hindi maiimbestigahan ng Palasyo ang panibagong umanoy anomalya sa PEA partikular ang usapin sa dating Bilibid Prisons.
Ani Bunye, wala namang reklamong inihain sa Malacañang at mismong ang whistle blower na si PEA director Sulficio Tagud ang nagsabing didiretso na ito sa Ombudsman. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest