Datumanong OIC sa PEA
September 27, 2002 | 12:00am
Agad humirang si Pangulong Arroyo ng officer-in-charge (OIC) sa Public Estates Authority matapos na magbakasyon ang mga opisyal ng PEA dahil sa umanoy anomalya sa Pres. Diosdado Macapagal blvd. sa Reclamation area.
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, si Public Works Secretary Simeon Datumanong ang magsisilbing OIC sa PEA at isa sa direktiba ng Pangulo kay Datumanong ay tiyaking hindi magagalaw ang mga dokumento sa sinasabing road project.
Mananatili si Datumanong sa pangangasiwa sa PEA hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon.
Sa kasalukuyan ay nagsimula na ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) sa pag-iimbestiga sa road scam.
Tiniyak ng Malacañang na walang sisinuhin sa mga opisyal ng PEA na sangkot sa katiwalian at kung kinakailangan ay pakakasuhan ito sa Ombudsman. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest