^

Bansa

PEA at GSIS pinagpapaliwanag sa Macapahgal Highway anomaly

-
Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo ang mga opisyal ng Public Estate Authority (PEA) at Government Service Insurance System (GSIS) na magpaliwanag sa Malacañang kaugnay sa umano’y maanomalyang P1.1 bilyong proyekto sa President Diosdado Macapagal Highway sa reclamation area sa Roxas blvd. na pinondohan ng GSIS at pinangasiwaan ng PEA.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na pinagpapaliwanag agad sa lalong madaling panahon ang PEA at GSIS matapos matuklasan na sumobra sa P600 milyong piso ang presyo ng nasabing proyekto.

Ayon kay Bunye, ang paliwanag ng PEA at GSIS ay ipinasusumite ng Pangulo kay Chief Presidential Legal counsel Avelino Cruz para sa isasagawang imbestigasyon.

Lumitaw ngayon na ang nasabing highway ay siyang pinakamagastos na kalsada sa buong bansa at bukod dito ay nabahiran ng anomalya ang ama ni Pangulong Arroyo kung saan ipinangalan ang nasabing kalsada. (Ulat ni Ely Saludar)

AVELINO CRUZ

AYON

BUNYE

CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL

ELY SALUDAR

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL HIGHWAY

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

PUBLIC ESTATE AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with