^

Bansa

Jinggoy idiretso sa Quezon City Jail!

-
Hindi na umano dapat pang kunsintihin ang hayagang panloloko ni dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan kaya makabubuting idiretso na ito sa Quezon City Jail upang doon na lamang ikulong.

Ito ang sinabi kahapon ni Assistant Ombudsman Dennis Villaignacio bilang reaksiyon sa lumabas na video footage ni Jinggoy sa labas ng Veterans Memorial Medical Center na nagpapahinga at hayagang naninigarilyo.

Ayon kay Villaignacio, ang ipinakitang ito ni Jinggoy ay hindi lamang panloloko sa taumbayan at Sandiganbayan kundi panloloko na rin mismo sa kanyang sarili.

"Ganyan ba ang may grabeng karamdaman, nakukuha pang magsigarilyo. Panloloko na sa korte at taumbayan iyan, sinungaling," sabi pa ni Villaignacio na isa sa mga prosecutor ng pamahalaan na umuusig sa mag-amang Estrada hinggil sa kasong plunder.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng prosekusyon ang kanilang gagawin upang kuwestiyunin ang depensa kaugnay ng ginagawang pagsasakit-sakitan ni Jinggoy sa sarili, gayung nakukuha pa nitong manigarilyo.

Minsan na ring nabalita ang magarbong party sa loob ng VMMC na naging batbat din ng kontrobersiya at pagbatikos kamakailan.

Sakaling mapatunayan na walang sakit si Jinggoy, ang dapat aniyang gawin sa kanya ngayon ay ikulong na sa QC jail o kung hindi man sa detention cell sa Camp Crame.

Ang mag-amang Estrada ay nahaharap sa multi-bilyong pisong pandarambong sa bayan dahil sa pagkolekta umano nito ng jueteng money at sa kontrobersiyal na tobacco excise tax. (Ulat ni Malou Escudero)

ASSISTANT OMBUDSMAN DENNIS VILLAIGNACIO

AYON

CAMP CRAME

JINGGOY

MALOU ESCUDERO

QUEZON CITY JAIL

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

VILLAIGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with