^

Bansa

Koreano hinatulan sa pag-sex slaves sa 11 Pinay

-
Iniulat kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paghatol ng korte sa isang Koreano na manager ng isang club na puwersahang pag-sex slaves at ilagay sa prostitution ang labing-isang Pinay entertainers.

Ayon kay labor attache' Reydeluz Conferido na nakabase sa Seoul, South Korea na ang akusado na si Park Byeong-Young ay hinatulan ng sampung buwan na pagkabilanggo at pagbabawal na buksan ang kanyang club sa loob ng dalawang taon.

Sinabi rin ni Conferido, matapos ang ilang buwang pagkakulong ng akusado ito ay binigyan ng parol subalit kinakailangan nitong gumugol ng 80 oras na community service.

Ang akusado ay nahatulan batay sa reklamong isinampa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Korean National Police Agency.

Ang labing-isang manggagawang Pinay ay kinuha bilang entertainers subalit sila umano ay ginawang sex slaves ng akusado.

Ang mga ito ay nailigtas sa Club 69 sa Tongduchon City noong nakalipas na Hunyo.

Dinagdag pa ni Conferido, na ang POLO sa South Korea ay nakatakda ring magsampa ng civil damages laban sa akusado, promoters at recruiters ng labing-isang Pinay.(Ulat ni Mayen Jaymalin)

vuukle comment

CONFERIDO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KOREAN NATIONAL POLICE AGENCY

MAYEN JAYMALIN

PARK BYEONG-YOUNG

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

PINAY

REYDELUZ CONFERIDO

SOUTH KOREA

TONGDUCHON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with