Iniulat sa Malacañang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mula sa kabuuang 121 Pinoy na nasa Iraq ay 10 pa lamang ang naililikas.
Ang bilang na ito ay kumakatawan lamang sa mga dependents ng overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na karamihan sa mga Pinoy na nasa Iraq ay nagtatrabaho sa mga ahensiya ng United Nations, embahada ng Pilipinas at malalaking kumpanya na may sariling evacuation plans.
Sa katunayan, maging si Philippine charge d affairs Grace Escalante ay hindi pa pinapalikas ang kanyang mga anak. Nagpasya ang mga ito na manatili pa rin sa Baghdad.
Iniulat din ng DFA na hindi nagmamadali ang mga Pinoy na umalis sa Baghdad. (Ulat ni Ely Saludar)