Ang dalawang panukalang batas ay trinabaho ng mga mambabatas hanggang madaling araw matapos itong sertipikahang urgent bill" ng Malacañang kamakailan.
Layunin ng Housing Bill na organisahin ang lahat ng ahensiya na may kinalaman sa pabahay upang palakasin at mapabilis ang housing program ng pamahalaan.
Nakasaad naman sa Transmission Bill na isasapribado ang National Transmission Company ng Napocor sa loob ng 25 taon na maaaring muling i-renew sa loob ng panibagong 25 taon upang makalikom ang pamahalaan ng US$2 bilyon.
Kapag tuluyang naisabatas ang Transmission Bill ay mababawasan ng halos 60 centavos ang binabayarang power purchased adjustment ng electric consumers sa loob ng 20 taon. (Ulat ni Malou Escudero)