Jinggoy pinayagang magpagamot ng puwet sa Makati Med
August 31, 2002 | 12:00am
Pinayagan ng Sandiganbayan Special Division si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada upang ipagamot ang kanyang rectal bleeding, subalit limang araw lamang ang ibinigay dito.
Nauna nang tinanggihan ng mga mahistrado ang nasabing kahilingan ng nakababatang Estrada at sinabihang manghiram na lang umano ang mga duktor nito ng colonoscope instrument sa ibang ospital saka dalhin sa Veterans Memorial Medical Center upang doon gamutin.
Ayon kay Dr. Liberatio Casison, VMMC director, walang ganoong kagamitan ang kanilang ospital na kailangan sa sakit ni Jinggoy.
Sa inihaing motion for reconsideration ng panig ni Estrada, sinabi ni Dr. Lorenzo Jocson, doktor ni Jinggoy, na sinubukan niyang manghiram ng colonoscope sa MMC at Cardinal Santos Medical Center subalit tumanggi ang mga ito dahil sa policy ng kanilang ospital.
Dahil dito, ay hindi rin umano masisigurado na ipahihiram ng San Juan Medical Center ang kanilang colonoscope.
Inatasan na ng korte si PNP Chief Hermogenes Ebdane na siguruhin ang kaligtasan ni Jinggoy sa pag-alis nito ngayon sa VMMC at ang pagbalik mula Makati Med bago ang alas-5 ng hapon sa Setyembre 4. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest