Restaurant ni Rico Yan nabiktima ng P20-M sa tax scam
August 28, 2002 | 12:00am
Hindi nakaligtas ang restaurant na pag-aari ng namayapang actor na si Rico Yan sa tax scam matapos ibunyag kahapon ni Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri na umaabot sa P20 milyon na ibinayad sa buwis ang nawawala.
Sa isang privilege speech sinabi ni Zubiri, part-owner din sa Tequila Joe at California Pizza, na sinisingil sila ngayon ng BIR ng nasabing halaga sa kabila na nabayaran na nila ito.
Ang dahilan, hindi nakarating sa BIR ang mga ibinayad nila para sa value added tax (VAT) at iba pang tax payments.
Sinabi ng mambabatas na natuklasan nila na sa halip na tumuloy sa ahensiya ang ibinabayad nilang tseke ay napupunta ito sa bank account ng isang pribadong indibidwal na may pangalang "Alfredo delos Santos."
Kabilang sa mga bayad na hindi napunta sa BIR ay noong Hulyo 2000 hanggang Mayo 2002, pati na rin ang VAT remittances noong 2001.
Ayon kay Zubiri, regular nilang idinedeposito ang tsekeng pambayad sa BIR sa United Coconut Planters Bank (UCPB) kaya hindi nila alam kung paanong sa ibang account ito nake-credit.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng NBI ang pangyayari. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am