BSP higit P5 bilyon nalugi sa cyberattacks sa mga bangko
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malakanyang sa mga bangko na palakasin ang kanilang internal security para labanan ang cyberattacks.
Ito ay dahil base sa ulat na ang financial institutions na pinapangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nawawalan ng P5.82 bilyon mula sa cyberattacks noong 2024.
Sa press briefing, sinabi naman ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na magkakaroon sila ng mga infomercials at information dessimination tungkol sa paano maiiwasan ng taumbayan ang mga scammers.
Base sa ulat ang halagang nawala ay bahagyang tumaas mula sa P5.67 bilyon na pagkalugi noong 2023.
Kasunod nito, ipinag-utos din na lahat ng BSP-supervised financial institutions ay itinatakdang mag-sumite ng regular at event-drivern reports tungkol sa mga insidente ng major cyberattacks.
- Latest