^

Bansa

115 Pinoy binigyan ng pardon ng UAE

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
115 Pinoy binigyan ng pardon ng UAE
President Marcos meets with United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan at the al-Shati Palace in Abu Dhabi on Nov. 26, 2024.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United Arab Emirates (UAE) President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa pagbibigay ng clemency sa 115 Filipino convicts habang ipinagdiriwang ang Holy Month of Ramadan.

Ipinaalam noong Biyernes ng Embahada ng UAE sa gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) - Office of the Middle East and African Affairs ang tungkol sa royal pardon.

“The UAE Ambassador in Manila has personally informed us that for this season’s Ramadan and Eid al-Fitr, no less than 115 convicted Filipinos have been set free,” ani Marcos.

Ayon pa kay Marcos, ang clemency ay magdudulot ng pag-asa sa mga pamilya ng mga bilanggo at sinasalamin nito ang pagpapahalaga ng UAE sa humanitarian values.

“On behalf of the Philippine government, we extend our sincerest thanks to President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan for this compassionate act,” ani Marcos.

Binanggit din ni Marcos ang espesyal na partnership ng dalawang bansa at ipinaalala ang 143 Pilipino na nabigyan din ng pardon noong nakaraang taon ng Eid al-Adha (Festival of Sacrifice) noong Hunyo at 220 iba pa sa okasyon ng Pambansang Araw ng UAE noong Disyembre.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatibay ng matatag na ugnayan sa UAE, na tahanan ng halos isang milyong Pilipino.

UAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->