Si Bañez ay umalis sa puwesto dahil umano hindi nito natugunan ang target tax collection na kailangan ng ahensiya.
Si Parayno ay isa sa mga "shortlist" ng Malacañang kasama dito sina Finance Undersecretary Cornelio Gison at Social Security System president Corazon dela Paz.
Ilang linggo na umanong sinusuyo si Parayno nina Executive Secretary Alberto Romulo, Finance Secretary Jose Isidro Camacho at ilang miyembro ng selections group ng Malacañang.
Sa kasalukuyan si Parayno ay nagsisilbing taga-sangguni ng World Bank at International Monetary Fund (IMF).
Noong siya ay nasa Bureau of Custom kanya ng pinasimulan ang computerization program upang mapadali ang paglalakad ng mga papeles ng mga exporter.
Napag-alaman na ang unang plano ay gawing BIR chief ang hepe ng custom na si Antonio Bernardo at si Parayno ay pabalikin sa BOC. (Ulat ni Ted P. Torres)