Industriya ng telegrama naghihingalo na
August 21, 2002 | 12:00am
Inamin kahapon ng ilang opisyal ng Telecommunications Office (Telof) na biglang humina ang isa sa pinakamatagal at pinakamurang paraan ng pagpapadala ng mensahe, ang telegrama, dahil sa pagsulpot ng text messaging sa mga cellphones.
Sa isang eksklusibong panayam kay Telof assistant secretary Delia Hoy Ganaden, sinabi nito na malaki ang nabawas sa mga pino-proseso nilang telegrama araw-araw dahil sa text.
Sinabi din nito na hindi lamang ang telecom office ng pamahalaan ang naapektuhan ng text messaging kundi maging ang post office dahil nabawasan na rin ang bilang ng mga nagpapadala ng sulat.
Binanggit nito na kung dati ay napakarami ng tanggapan ng RCPI at PT&T sa buong bansa, ngayon ay halos wala na rin ang dalawang nabanggit na pribadong kumpanya.
Sa ngayon, ang rate ng telegrama ay P12 sa bawat 10 salita o words, at karagdagang P1.20 sa bawat salita na lalampas sa 10.
Sinabi naman ni Arnel Castrillo, isang empleyado ng Telof na nasa loob ng Batasan complex, kung dati ay halos 20 telegrama ang kanilang natatanggap, ngayon ay isa o dalawa na lamang sa isang araw.
Subalit idinagdag ni Hoy Ganaden na dapat pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang planong pagpapasara sa kanilang ahensiya dahil marami pa rin silang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan maliban sa telegrama.
"While it is true na nag-reduce ng volume sa telegrama, marami pa ring island ang walang cell site ngayon lalo na sa mahirap at malalayong probinsiya," pahayag ni Hoy Ganaden.
Hindi naman aniya lahat ng mamamayan ay mayroong cellular phones at kung meron man, walang cell sites sa marami pa ring lugar sa bansa.
Isa aniya sa pinakamabilis nila ngayong serbisyo ay ang "money transfer" dahil marami pa rin sa mga probinsiya ang walang bangko kayat umaasa sila sa Telof.
Sa ngayon umaabot sa 5,145 ang personnel ng Telof na siguradong mawawalan ng trabaho sa sandaling isara ang nasabing ahensiya.
Magugunitang ipinanukala mismo ng Malacañang ang pagsasara sa Telof at 13 pang ahensiya ng pamahalaan dahil sa lumalaking budget deficit ng bansa. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended