Benepisyo pa sa OFWs
August 12, 2002 | 12:00am
Nakatakdang taasan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang benepisyo sa lahat ng Overseas Filipino Workers na miyembro ng ahensiya.
Inatasan ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ang OWWA na rebyuhin ang kanilang pananalapi upang sa ganoon ay mapagpasiyahan kung paano mapapabuti ang serbisyo at benepisyo nito sa OFWs.
Sinabi ni Sto.Tomas na ang OWWA board na kanyang pinamumunuan ay nasa posibilidad na dagdagan ang benepisyo na hindi magtataas ng $ 25 membership fee sa mga OFWs.
Hinalimbawa nito ang dalawang Pinay na nasawi ng pagsabog ng bus sa Israel na kagagawan ng suicide bomber na kung saan ay pinagkalooban nila ng P200,000 ang pamilya nito.
Patuloy rin nilang pinag-aaralan ang posibilidad na dagdagan ang kasalukuyang P 20,000 benepisyo sa mga OFWs na namatay sa abroad. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest