^

Bansa

Pangulo 'kinuryente' uli

-
Muli na namang nalagay sa kahihiyan si Pangulong Arroyo matapos na mabigyan ng maling impormasyon na lumayas na umano sa bansa ang multi-national company na Kimberly Clark.

Nabatid na nakipagpulong kay Press Secretary Ignacio Bunye si Atty. Thomas Brown Jr., vice president ng Kimberly Clark at nilinaw ng huli na hindi sila lumayas sa Pilipinas.

Ito ay taliwas sa inihayag ng Pangulo sa kanyang SONA na dinala ng Kimberly Clark ang Asia operations nito sa Thailand imbes na sa Pilipinas.

Iginiit ni Brown kay Bunye na wala silang intensiyon na alisin ang negosyo sa bansa.

Dahil dito, naglabas na rin ng bagong patakaran ang Malacañang upang makaiwas sa kuryenteng balita ang Pangulo.

Sinabi ni Bunye na mananagot ang mga head office na nagbibigay ng impormasyon sa Pangulo sakaling ito ay pumalpak. (Ulat ni Ely Saludar)

BUNYE

DAHIL

ELY SALUDAR

IGINIIT

KIMBERLY CLARK

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

THOMAS BROWN JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with